Lunes, Mayo 30, 2011

RH bill?

Libangan na siguro talaga ng mga Pilipino ang gumawa ng bata...este..magparami, kaya nga naman ipinapasa na ngayon ng kataas taasang, kagalang galangang mga konggresman (KKK) at ng mga senador ang batas sa paggamit ng artipisyal na paraan sa pagpapaplano ng pamilya, kagaya ng condom..hmm akala ko noon lobo yang condom ,para pala yan sa family planning. Anyway, tungkol sa batas na pinapasa ng KKK ngayon, yung RH bill, yan din ang pinagdedebatehan ngayon ng Gobyerno at Simbahang Katoliko. Ang simbahang katoliko kasi ay hindi sumasang ayon sa sa RH bill kasi sabi daw ni bro ay bad daw ang gumamit ng condom pag gumawa ng baby. (hehe) ang malala pa dito ay ang banta kamo ng simbahan na i excommunicate si Pnoy kung pumayag siya sa RH bill.. uhm totoo kaya yun?..nabasa ku kasi sa wikipedia  eh..:)


So eto na yun ngayon, pipili na ako kung papanig ba ako sa RH bill o hindi. Uhm paano ba 'to...(ang hirap), kapag mag Anti RH bill  ako, para ko naring sinabi na applicable parin ang command ni God kay Adan at Eva noong panahon ng Genesis: "Go to the world and multiply" . grabe, napakarami na nga natin, Go to the world and multiply pa rin.. heheh ...well..Kapag mag Pro RH bill naman aku, sasabihan naman ako ng Imoral ng mga kakilala ko, bad talaga kasi daw yun eh, sabi ni bro.


HAHAIXT.. kung bibigyan lang aku ng power para mamili at pumasa ng ganyang klaseng batas, uhm..iisipin ko muna kung ano ang makakabuti sa nakararami. Okay lang naman talaga ang manindigan sa ating prinsipyo at mga nakasanayan but minsan, minsan lang naman, kelangan din nating gumawa ng mabigat na desisyon na labag sa ating prinsipyo. Para ka naring isang super hero na pinapipili ng Kalaban kung sino ang iyong ililigtas sa kanyang mga hostage: yung isang bus na puno ng mga walang muwang at walang kalaban labang mga bata o ang iyong Girl friend na malapit ng mahulog sa isang napakalalim na pampang pero may jetpack naman siya sa kanyang likod.. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento