
So eto na yun ngayon, pipili na ako kung papanig ba ako sa RH bill o hindi. Uhm paano ba 'to...(ang hirap), kapag mag Anti RH bill ako, para ko naring sinabi na applicable parin ang command ni God kay Adan at Eva noong panahon ng Genesis: "Go to the world and multiply" . grabe, napakarami na nga natin, Go to the world and multiply pa rin.. heheh ...well..Kapag mag Pro RH bill naman aku, sasabihan naman ako ng Imoral ng mga kakilala ko, bad talaga kasi daw yun eh, sabi ni bro.
HAHAIXT.. kung bibigyan lang aku ng power para mamili at pumasa ng ganyang klaseng batas, uhm..iisipin ko muna kung ano ang makakabuti sa nakararami. Okay lang naman talaga ang manindigan sa ating prinsipyo at mga nakasanayan but minsan, minsan lang naman, kelangan din nating gumawa ng mabigat na desisyon na labag sa ating prinsipyo. Para ka naring isang super hero na pinapipili ng Kalaban kung sino ang iyong ililigtas sa kanyang mga hostage: yung isang bus na puno ng mga walang muwang at walang kalaban labang mga bata o ang iyong Girl friend na malapit ng mahulog sa isang napakalalim na pampang pero may jetpack naman siya sa kanyang likod..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento