ASAWA (asawa ko, mahal ko)
Mag asawa ang tawag sa dalawang taong pinagsama sa ritwal ng sakal, este.. kasal. Sa harap ng altar mangangako silang dalawa na magsasama sila sa hirap at ginhawa, at kamatayan lang daw ang makapaghihiwalay sa kanila. Dahil sa kanilang pagmamahalan ay magbubunga ang kanilang pagsasama ng mga anak na sabay din nilang palalakihin. Haharapin nila lahat ng problema, pagtaas ng presyo sa kilo ng bigas,mga utang, pambili ng gatas, kakulitan ng mga anak, pagtaba ni misis at pagkalasinggero ni mister. Lahat ng 'yon ay haharapin ng mag asawa.
-->tanggalin kaya natin ang letter A, tingnan natin kung anu ang mangyayari:
SAWA (sawa na ako sa'yo)
After 10 years, sa ka tititig ni mister kay misis, mapapansin niyang si misis ay tumataba, 'di na ito gaya ng dati. Ang dati nitong seksing katawan ay nawala na, ang dati nitong malambot na palad ay nababalot na ng makakapal na kalyo. Dahil dito, maghahanap ito ng mas bata, yung mas sexy at ang wedding ring na isinuut ni misis sa kanya noong sila'y kinakasal ay itatago nito para magmistula siyang binata. Madaling araw na siya kung umuwi, parating lasing at ang masaklap pa ay nanakit sa kanyang asawa at mga anak at hahantong na ito sa tuluyan nitong pag iwan sa kanyang pamilya.
----> SAWA nalng ang natira, tanggalin naman natin ngayon ang letter S:
AWA (self explanatory)
Ito nalang ang mararamdaman mu sa mga iniwan ni mister na ngayon ay nagpapakasawa sa bago niyang karelasyon habang ang kanyang misis ay halos maputulan ng hininga dahil pinagsabay nito ang pagtatrabaho at pag aalaga sa mga anak. Awa dahil wala ng kilalaning matinong ama ang mga bata.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento